Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 228 ‘Niligtas Upang Maglingkod
1
‘Niligtas upang maglingkod
Mag-awit at maghayag
Ng buti at pagligtas
Ng Panginoong Jesus.
Koro:
Maglingkod kay Jesus,
Magpuri buong araw,
Gumawang lubusan,
Pasanin ang pamatok.
2
Buong kagandahang loob
Ihayag ang pag-ibig,
Na nagligtas sa panganib
Ng ating Mananakop.
3
‘Niligtas upang makamtan
Ng ibang kakapatid
Ang biyaya kong nakamit
Buhay na walang hanggan.