Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 227 Bantay, Hipan ang Pakakak
1
Bantay, hipan ang pakakak
Ng ebanghelyong taglay,
Ang sinumang makarinig,
Magsisi at mabuhay.
Koro:
Bantay, hipan ang pakakak,
Sa lahat ay ilakas;
Pabalita ay itanyag!
Nang lumaya ang bihag.
2
Sa burol at kapatagan
Ito’y ipaglakasan,
Ulitin ng karagatan
Awit ng kaligtasan.
3
Sa daa’t liblib na pook
Pabalita’y isigaw;
Ito ay papagsaysaying
Ama ay naghihintay.
4
Sa nabibigatang lubha
At mga napapagal,
“Magsiparito sa Akin,”
Pa-anyaya N’yang mahal.