Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 222 Tinig Niya ay Pakinggan
1
Tinig Niya ay pakinggan
Na sumisigaw sa ilang,
Hinahanap ang naligaw,
Tupang waglit sa tahanan.
Koro:
Akayin, akayin,
Mga tupang naliligaw,
Akayin, akayin,
Sa kay Jesus na mahal.
2
Sino ngayon ang lalakad,
Sa naligaw ay hahanap?
Kumilos na’t h’wag magluwat,
Tipunin ang natiwalag.
3
Sila ay nag-iiyakan
Sa parang at kabundukan
Tinig ni Jesus, pakinggan:
“Hanapin sila saanman.”