Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 219 Ihasik ang Binhi
1
Ihasik ang binhi ng magandang buhay,
Maging sa umaga o tanghali man,
At ang pag-aani kapag dumatal,
Kakamtin ang ating pinagpaguran.
Koro:
Ang ating binhi ay magbubunga,
Aanihin nating walang pagsala;
Ang ating puso ay liligaya,
Ang pinagpaguran kung makita na.
2
Ihasik ang binhi at h’wag katakutan
Ang lamig ng ula’t init ng araw,
Aanihin natin pagsapit ng araw
Ang bunga ng ating pinagpagalan.
3
Ang binhi ni Kristong sa ati’y iniwan
Ihasik din kahit may kahirapan,
Ang pagod at luha kung mangakaraan
Ang bungang kasunod ay katuwaan.