Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 218 Mga Manggagapas ay Nasaan?
1
Mga manggagapas ay nasaan?
Ang lingkaw ninyo ngayo’y ikarit
Upang piliin sa karamihan
Ang mga mabuting inihasik.
Koro:
Ang manggagapas ay nasaan?
Halina’t tumulong sa pagtitipon
Tumulong kayo na magbangan
Ng bungang ani ng Pangino’n.
2
Magsiyaon kayo sa bukiran
At hanapin ang mabuting hasik!
Pansirang damo’y matatayog man
Sikaping lahat ay maipanhik!
3
Hinog na ang bukirang malawak
At naghihintay ng mag-aani!
O! manggagapas, kayo’y gumayak
At matutukol na ang marami!
4
Hayo nang taglay ang inyong lingkaw
Gintong butil ng trigo’y anihin
Ang Panginoon natin pagdatal
Ang kaupaha’y inyong kakamtin!