Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 214 Akbayan Mo, Panginoon
1
Akbayan Mo, Panginoon
Sa landas ng paglilingkod;
Tulungan Mong matiis ko
Ang hirap ng pagpapagod.
2
Tulungan Mong makilos ko
Mga pusong di pasakop,
Mga paang walang tuto
Sa pag-uwi’y mai-ayos.
3
Sa akin ay ituro Mo
Ang Iyo ngang pagtitiis;
Nang pananampalataya’y
Mapatibay, mapatamis.
4
Sa pag-asang sumisinag
Sa hinaharap na daan;
Bayaang ako’y mabuhay
Sa bigay Mong kapayapaan.