Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 209 Samantalang sa Bulaklak
1
Samantalang sa bulaklak
Hamog ay di pa lumilipas,
Ay naririnig ko na agad
Ang tinig ng Diyos Anak.
Koro:
At isinama akong lumakad
Sa aki’y ipinahayag
Na ako’y Kanya,
Oh! anong galak!
Masama sa Diyos Anak!
2
Kay tamis ng Kanyang tinig
Panlunas sa maraming sakit,
Karanasan man dito’y mapait
May ginhawa sa langit.
3
Di ko ibig na maiwan
Siya roon sa halamanan;
Nguni’t ako ay pinagsabihang
Saka natatawagan.