Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 206 Laging Dumalangin sa Panginoon
1
Laging dumalangin sa Panginoon,
Saka pagpalain sa Diyos na kampon,
Sa Kanya’y pumiling buong panahon;
Aral N’ya’y tanggapin nang makaayon.
2
Laging dumalangin lalo’t bagabag
Puso sa panimdim at di panatag;
Kay Jesus tumingin nang makatulad
Ng buhay butihing hayag sa lahat.
3
Laging dumalangin at papatnubay,
Siya’y talimahin, h’wag pangunahan;
Maging sa tiisi’t kalumbayan man,
Asahang taimtim hanggang may buhay.
4
Laging dumalangin maging tahimik;
Adhika’t isipan ay ipalinis;
Bayaang akayin ka sa pag-ibig,
Handang kawanihin doon sa langit.