Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 199 May Panig na Madilim ang Buhay
1
May panig na madilim ang buhay
Nguni’t may maliwanag naman,
Sa dilim tayo ay matungo man
Sa liwanag tayo tumanaw.
Koro:
Tayo ay tumanaw sa naliliwanagan
Sa panig ng iting buhay,
At upang magkailaw ang ating daraanan
Tayo nga’y sa liwanag lumagay.
2
Malupit man ang bagyong dumating
At ang pag-asa mo’y sirain,
Ang ulap at sigwa’y lilipas din
Araw ay muling magnining-ning.
3
Tayo nga’y magsaya araw-araw
Madilim o maliwanag man,
At kay Jesus na umaalalay
Manangan tayong buong tibay.