Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 196 Ako Ay Humihilig
1
Ako ay humihilig sa bisig ni Jesus,
Sa mainit N’yang dibdib panatag na lubos,
At sa sinapupunan ng Kanyang pag-irog
Ay tahimik ang aking Kaluluwang pagod.
Koro:
Ako ay nakahilig sa Kaniyang dibdib,
Dito ko nakakamit tamis ng pag-ibig.
2
Ako ay humihilig sa bisig ni Jesus,
Nagtatago sa tukso sa palibut-libot,
Dooy walang-wala nang anumang pagsubok,
Liban lamang sa ilang luha at himutok.
3
Ako ay humihilig sa bisig ni Jesus,
Dito’y hihintayin kong ang gabi’y matapos,
Hihintayin ko na ring sa silanga’y sumipot
Ang magandang umagang papawi sa lungkot.