Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 192 Ang Aking Galak
1
Ang aking galak, walang katulad!
Sa akin ay may nag-iingat!
Ako’y panatag walang bagabag
Sa Kanyang bisig na malakas!
Koro:
Ako’y ligtas, Ligtas kay Jesus,
Hindi ako matitinag!
Oo, panatag, Oo panatag, At panatag
Sa Kanyang bisig na malakas.
2
At sa paglakad sa aking landas
Mayron akong taga-pag-ingat,
Ako sa hirap ay ililigtas
Ng Kanyang bisig na malakas!
3
Dumagsa man ang lahat ng hirap
Hindi rin ako masisindak,
Sa aking palad ang humahawak
Ay Kanyang bisig na malakas!