Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 186 Ang Kapayapaan Man ay Malubos
1
Ang kapayapaan man ay malubos
O dumagsa man ang lungkot,
Anumang palad ang aking maabot
Panatag din ang aking loob.
2
Ang d’yablo ma’y maglagay ng pagsubok,
Pag-asa’y di makikilos,
Na si Kristo ang sa aki’y sumakop
At ang dugo Niya’y nabuhos.
3
Sala kong sagabal sa kapalaran,
Inalis Niyang paminsan;
Sa krus ipinako’t doo’y iniwan,
Kaya’t S’ya’y pinapupurihan.
4
Pasapitin Mo Panginoong Jesus,
Araw ng mga tinubos,
At ang awit ng tagumpay na puspos
Nang mapanatag akong lubos.