Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 183 O ang Langit na Bayan!
1
O ang langit na bayan! Bayan ng malaya!
Doo’y wala nang gabi, Kundi umagang pawa;
Sabik ako sa bayan, Dito’y kalumbayan;
Doo’y walang kahirapan Na ‘king pupuntahan;
Doo’y walang kahirapan Na ‘king pupuntahan.
2
Panginoon ko’y naro’n, Kasama’y mga anghel;
Doo’y wala nang sala’t Tuksong humihilahil;
Ang tugtugin ng langit Ay nauulinig;
At pag langit ay naiisip Mata’y nagbabatis;
At pag langit ay naiisip Mata’y nagbabatis;
3
Kumakaway sa akin Ang tumatahan doon;
Kamatayan at lungkot Do’y di lumilinggatong;
Mahal na bayang langit! Payapa’t tahimik!
Kami, Jesus, doo’y ihatid Ng Iyong pag-ibig;
Kami, Jesus, doo’y ihatid Ng Iyong pag-ibig.