Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 180 Halina, Umiibig
1
Halina, umiibig Galak sa Panginoon!
Sa awita’y makianib, Sa awita’y makianib,
Sa trono’y magtipon, Sa trono’y magtipon!
Koro:
Hayo na sa Siyon, Hayo na nga sa Siyon,
Sa napakagandang Siyon;
Doon tayo patungo ngayon
Sa bayan ng Panginoon!
2
Bayaang h’wag umawit Ang nagsitanggi sa Diyos!
Kawal ng Hari sa langit, Kawal ng Hari sa langit.
Magpupuring lubos, Magpupuring lubos!
3
Sa Siyon nga kakamtan Tamis ng kabanalan;
Awita’y mapapakinggan, Awita’y mapapakinggan,
Sa banal na bayan, Sa banal na bayan!
4
Ang luha’y mapaparam Sa tamis ng awitan!
Sa lupang inilalaan, Sa lupang inilalaan,
Ating tatahanan, Ating tatahanan.