Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 18 Ikaw Nawa’y Pakaakbayan
1
Ikaw nawa’y pakaakbayan
Ng dittos magpakailanman,
Hanggang sa Siya’y dumatal,
Makapisan ng Kanyang bayan.
Koro:
Hanggang magkikita
Sa paanan ni Jesus,
Hanggang magkikita
Ay samahan ka nawa ng Diyos!
2
Ikaw nawa’y pakaingatan
Ng Diyos at bigyan din naman
Ng mana sa araw-araw,
Hanggang tayo’y muling magpisan.
3
Ikaw nawa’y pakatulungan
Ng Diyos sa pakikilaban
Sa nagkalat na kaaway
Hanggang ikaw ay magtagumpay.
4
Ang pag-ibig nawa at sigla
Ay maingatan mo t’wina
Upang papurihan Siya
Hanggang tayo’y muling magkita.