Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 179 Wala Tayong Matitirhan
1
Wala tayong matitirhan
Dito at ito ay tunay
Huwag magulumihana’t
Darating ang ating bayan,
Daraing ang ating bayan.
2
Wala tayo ditong bayan
Nguni nga’t nag-aantabay;
Siyon ang Kanyang pangalan
Sa Panginoong tahanan,
Sa Panginoong tahanan.
3
Anong inam ng tumahan
sa bayan ng mga banal
Kung mayrong pakpak nga lamang
Liliparin ko nang tunay,
Liliparin ko nang tunay.
4
Samantalang naglalakbay
dito sa lupang ibabaw
Kay Jesus ka paalalay
At di ka N’ya babayaan,
At di ka N’ya babayaan.