Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 162 Ako’y Ilapit sa Krus
1
Ako’y ilapit sa krus,
Mapagpalang Jesus;
May mahalagang bukal,
Doo’y umaagos.
Koro:
Do’n sa krus, do’n sa krus,
Aking l’walhati Ka,
Hanggang kaluluwa’y
Makapagpahinga.
2
Ang pag-ibig at habag,
Sa krus nasumpungan;
Ang Tala sa Umaga,
Doon ay makinang.
3
Ang mga tagpo sa krus,
Sa ‘ki’y ipakita;
Ako ay tulungan Mo
Na lumakad t’wina.
4
Do’n sa kalapit ng krus
Ako’y maghihintay,
Hanggang aking sapitin
Ang kabilang pampang.