Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 154 Kay Jesus Ipinataw ang Kasalanan Ko
1
Kay Jesus ipinataw ang kasalanan ko,
Lahat Kanyang pinasan, pinalaya tayo;
Sala’y pinahugasan sa dugo ni Kristo,
Hanggang dungis mapawi sa ‘king pagkatao.
2
Kay Jesus inilagak; pangangailangan;
Kanyang pinapagaling aking karamdaman;
Sa dusa at pasanin at kabalisahan
Ako’y pinalalaya at dinadamayan.
3
Ang nais ko’y matulad kay Jesus na mahal,
Na mapagkumbaba, maamo at banal;
Nais kong makasama S’ya sa kalangitan,
Pati ang mga banal sa pag-aawitan.