Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 148 Kung ang Panlulupaypay
1
Kung ang panlulupaypay
Ako’y supilin,
Si Jesus nalalaang
Kukupkop sa ‘kin
Koro:
Kukupkop sa ‘kin!
Sasagip sa ‘kin!
Ako ay kukupkupin
Nang buong giliw!
2
Ako ay nanghihina,
Hindi tatagal;
Madaling nanlalata
Kung di N’ya tangnan.
3
Minamahal N’ya ako,
Kaya’t tatangnan
Ang magligtas ng tao
S’ya Niyang pakay.
4
Ang aking kaluluwa
Ililigtas N’ya
Binili sa halaga
Mahal sa Kanya