Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 138 Ang Pugalan Mo Baga’y Matibay
1
Ang pugalan mo baga’y matibay?
Sa dagsa ng bagyo ng buhay?
Hindi kaya maanod kung datanan
Ng bilis ng along masasal?
Koro:
May sinepete ngang matibay
Ang kaluluwa na pugalan,
Sa batong buhay na kalagay
Pag-ibig ng Diyos ang kinatamnan!
2
Kung sa tibay ay maaasahan
Kamay ni Jesus ang may tangan,
Dagsaan man ng tukso ay laan,
Di matitinag sa saligan.
3
Kung dumating man ang kamatayan,
Sa baha ng takot ay laan,
Kahit buhawi man ang dumaan
Di matitinag sa pugalan.
4
Samantalang ang ating pag-asa,
Nasa sa loob ng tabing pa,
Lubos ang tibay, walang pangamba
Hanggang muling parito Siya.