Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 132 Gaano nga ang Katibayan Kaya?
1
Gaano nga ang katibayan kaya
Ng tumindig sa tibay ng salita?
At ano pa ang kailangang kusa
Na kung may lubos nang pagtitiwala?
Na kung may lubos nang pagtitiwala?
2
Si Jesus sa inyo ang kumukupkop
At huwag namang mangagdalang takot
Huwag mangasira ang inyong loob,
Pagka’t ang saklolo ninyo ay ang Diyos!
Pagka’t ang saklolo ninyo ay ang Diyos!
3
Sakaling kayo ay mangagdaraan
Malalim na tubig ang tatawiran
Hindi aabutin ng kabangisan
Pagka’t Siya ang sumasa unahan.
Pagka’t Siya ang sumasa unahan.
4
Ang kalul’wang kay Kristo humihilig
Hindi babayaang siya’y magahis
Ng kaaway niya na sakdal bangis
Pagka’t lagi siyang tinatangkilik.
Pagka’t lagi siyang tinatangkilik.