Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 126 Akong Makasalanan
1
Akong makasalanan,
Puno ng kasamaan,
Tinubos nang mabuhay
At sa langit matahan;
Ako ay Kanyang tunay,
At Siya’y akin naman.
2
O! dakilang pag-ibig,
Mataas kaysa langit,
Sa kalalima’y higit
Sa malalim na tubig;
Hinanap akong pilit,
Iniligtas sa sakit.
3
Ang aking kahirapan
ay Kanyang nalalaman,
Sa kapanginiban man
Ako’y iniingatan;
Ang lahat ko sa buhay
Kay Jesus inyaalay.