Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 122 Ang Nakarinig Ay Magbalita
1
Ang nakarinig ay magbalita
Sa sanlibutan ng mga hiwaga;
Sa lahat ng tao’y ipaunawa;
Lumapit ang may nasa.
Koro:
Bawa’t may nasa, bawa’t may nasa
Ay maglaganap ng ating balita,
Ang tawag sa ating ng Ama’y handa,
Lumapit ang may nasa.
2
Bawa’t may nasa ngayo’y lumapit
Pasukin ang pinto hanggang dipinid;
Si Jesus ang daang tungo sa langit
Lapitan ng man nais.
3
Pangako’y tunay sa magtatapat
At mananatili hanggang sa wakas;
Walang hanggang buhay ang igagawad
Sa may nasang tumanggap.