Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 120 Si Jesus ay Tumatawag Ngayon
1
Si Jesus ay tumatawag ngayon
Tumatawag, tumatawag;
Ano’t sa kanya’y di ka paampon
upang h’wag mawakawak?
Koro:
Tumatawag, tumatawag,
Si Kristong liyag
Sa makasalanang lahat.
2
Si Jesus ay may galak na taglay
Sa may lumbay, sa may lumbay
salang taglay sa kanya’y ibigay
At lilinising tunay.
3
Kasalana’y isulit kay Jesus,
H’wag magluwat, h’wag magluwat,
Siya’y naghihintay na tibubos
Kaya lapit na agad.
4
Inuusig ka? tawag ay dinggin,
H’wag sumuway, h’wag sumuway,
Ang maniwala at di umiring
Magtatamo ng buhay.