Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 119 May Papasok Din Sa Pintuan
1
May papasok din sa pintuan ng s’yudad na banal!
Titikim ng kal’walhatian:sino kaya? Ako? Ikaw?
May lalakad sa gintong daan mamamasdan ang maiinam
Matutuwa sa hinulaan:sino kaya? Ako, Ikaw?
2
Ang krus ay ibababang tunay pagdating ng araw;
Bawa’t tapat ay puputungan:sino kaya? Ako? Ikaw?
Hari’y makikitang mukhaan at ligtas na sa kalumbayan,
Maliligayang walang hanggan:sino kaya? Ako? Ikaw?
3
May tutuktok na di bubuksan pagdating ng araw;
Sa pagpupuri ay kapisan:sino kaya? Ako? Ikaw?
Sa pintong bukas tumawag man ay hindi na rin pakikinggan
Gatimpala’y di matitikman:sino kaya? Ako? Ikaw?
4
May aawit din ng tagumpay pagdating ng araw;
Kasama ng mga tinubos sino kaya? Ako? Ikaw?
May babati sa gintong daan magsasama-sama walang hanggan.
Ligtas sa kaluwalhatian sino kaya? Ako? Ikaw?