Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 118 Kaluluwang Tigib Sala
1
Kaluluwang tigib sala, kay Jesus umasa;
Upang magkamit ginhawa’y talimahin Siya.
Koro:
Magtiwala ka sa Kanya, magtiwala ka’t
Ililigtas ka ngayon na ililigtas ka.
2
Magsisi lamang mataos at magblik loob,
Ay malilinis kang lubos sa dugo ni Jesus.
3
Lubos kang pagpapalain yung iyong sambahin
Si Jesus na masintahing kusang gumigiliw.
4
Halina at makipisan sa nangaglalakbay
Na patungo sa tahanang walang kawakasan.