Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 110 Naririnig Ko ang Tawag
1
Naririnig ko ang tawag ni Jesus sa akin:
“Parito ka, at ang habag ay iyong tanggapin;”
Ako ngang hapo’y lumapit aking natagpuang
Ang kapahingahang nais ay ibinibigay.
2
“Lapit at iyong tanggapin ang tubig ng buhay,
Uminom ka, at nang kamtin ang kapayapaan;”
Lumapit ako’y uminom ng lunas na alay,
Kaluluwa ko’y nabangon, guminhawang tunay.
3
“Ako’y liwanag at tanglaw ng mundong kadimlan,
Kaluluwa mo’y kikinang, kung ako’y titigan;”
Tala ko’y aking natanaw sa kanyang kandungan
At ako’y tinatanglawan hanggang kawakasan