Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 104 Alinlangan Pa Rin
1
Alinlangan pa rin ang loob,
At alinlangan pa kay Jesus;
Ang sa Espiritu ay isinasagot
Sa iba nang araw s’ya susunod.
2
Oh! ikaw taong alinlangan
Lumapit ka na’t h’wag lumiban
Tinatawag ka na ni Jesus na mahal
Idinadalangin namin ikaw.
3
Ang alinlangan ay malapit
Sa pagsisising anong pait.
Kung alinlangan ka’y walang masasapit
Kundi hanggang doon sa mawaglit.