Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 103 Ako ay Bigyan ng Banal na Aklat
1
Ako ay bigyan ng banal na aklat
Na pantawag sa nangapahamak,
Sa payapa’y di hadlang ang bagabag
Pagka’t si Jesus ang humahanap.
Koro:
Ako ay bigyan ng banal na aklat
Na tatanglaw sa daang mahirap;
Pangako’t utos, pag-ibig na lahat,
Patnubay hanggang Siya’y mahayag.
2
Ako ay bigyan ng banal na aklat,
Ligaya ng pusong natiwalag;
Ang pangako ni Jesus ay panatag
Tunay na Siya’y darating agad.
3
Ako ay bigyan ng banal na aklat,
Na patnubay sa aking paglakad,
Upang sa panganib ay makaiwas
At sa kasalana’y makaligtas.