Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 102 Tinapay ng Buhay ay Hatiin
1
Tinapay ng buhay ay hatiin
Gaya nang maghati sa pampangin
Sa amin, Oh Jesus, bahaginin
Nang lagi kang sumapuso sa amin.
2
Sa banal na aklat hinanap Ka
Nang magtibay ang aming pag-asa;
Sa katotohana’y nakilala
At ang pala ay tinatamasa.
3
Salita Mo’y espiritu’t buhay
Sa pagsunod diyan kami’y laan;
Tulong Mo sa ami’y iagapay
Nang sa pagtalima’y magtagumpay.