Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 100 Kami Ama’y Pangunahan
1
Kami Ama’y pangunahan
Sa dagat sanlibutan;
Kami’y bantaya’t ingatan,
Tulong ay Ikaw lamang;
Kung ang Diyos ay ating Ama,
Pala ay kinakamtan.
2
Kami’y Iyong patawarin,
Batid Mo’ng dupok namin;
Namuhay Kang una sa ‘min
Sa lupa ng tiisin;
Hapo’t lungkot ang damdaming
Sa ilang humayo rin.
3
Espiritu ng aming Diyos,
Puso’y sidlan ng tuwa;
Ng pag-ibig, kasayahang
Hindi makasasawa;
Sa gayon, kapayapaa’y
Hindi na masisira.