Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 10 L’walhatiin si Jesus
1
L’walhatiin si Jesus na Manunubos!
Awitin ang Kaniyang pag-ibig,
Mga anghel ay nangagpupiring lubos
Puri’t galang sa ngalang marikit;
Matiyagang iingatan ka Niya,
Kakalungin habang nabubuhay;
Koro:
Ipahayag ang kadakilaan Niya,
Sa awit ay galak na isaysay!
2
L’walhatiin si Jesus na Manunubos!
Hirap, sakit, Kaniyang tiniis;
Namatay at ang dugo ay ibinuhos
At sa sala tayo ay binihis;
Ang nasasalingang bato’y si Jesus
Ng pag-asa at kaligtasan;
3
L’walhatiin si Jesus na Manunubos
Purihin Siya nang buong dangal,
Ang propeta, hari’t saserdote ng Diyos
Maghaharing walang kawakasan;
Paririto sa ikaliligaya
Ng lahat ng nagsipanagumpay;