Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 1 Sa Harapan ng Luklukan
1
Sa harapan ng luklukan
Ni Jehobang Manlalalang,
Magsiyukod, mga bayan,
Siya ay Diyos, Siya lamang.
2
Sa kanyang kapangyarihan
Putik tayong inanyuan;
Nang sa daan ay maligaw,
Ibinalik N’ya sa kawan.
3
Ang pintuan doon sa langit,
Lilipusin ng pag-awit;
Itong lupa na nawaglit,
Magpupuring may pag-ibig.
4
Kasinlawak nitong mundo
Utos ng Diyos na totoo;
Sintibay ng isang bato
Katotohanan ni Kristo.