Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 234 Kayo’y Gumising
1
Kayo’y gumising, oh! Krist’yanong tanan
Balutin ninyo’t kalasag ay tabnan,
Ang tabak ng Diyos gamiting matapang,
Haraping walang takot ang kaaway.
Koro:
Makilabang buong tapang
At harapin ninyo ang kaaway.
2
Mga panganib ay paka-ingatan
Huwag urungan kahit isang hakbang,
Sa tulong ng Diyos pananagumpayan
Mga pulutong nitong kadiliman.
3
Ipagtanggol ang mithiin ni Jesus
At magsikap ka hanggang sa matapos,
Magpuyat ka at sumunod na lubos
Sa Panginoon anumang iutos.
4
Magpatuloy ka’t h’wag mag-alanganin
Ang Kapitan mo’y laging nasa piling,
Biyayang tulong, pag-ibig, at aliw
Ay parang agos sa iyo’y darating.