Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 231 Tinig Ko ay May Pagpanaw
1
Tinig ko ay may pagpanaw,
Di muling mapapakinggan,
Kundi pagbangon sa hukay
Pagpuri sa Haring mahal.
Koro:
Makikita ko ang mukha
Ni Jesus na nagdalita;
Magpuri nang buong tuwa
Ang niligtas ng biyaya.
2
Balang araw ay lalagpak
Tahanan kong dito’y ingat,
Nguni’t di alam ang oras
Kaya’t ihanda ang lahat.
3
Sa kapanahunan ngayon
Magpuyat sa nagsalubong
Ilaw at langis baon
Ingata’t nang makatuloy.