Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 142 Kahit Saanman Ako ay Sasama
1
Kahit saanman ako ay sasama
Kay Jesus at papatnugutan Niya;
Saanma’t kung hindi Siya kasama
Ay walang ligaya kundi pangamba.
Koro:
Saanman ay di ako nangangamba
Kaylanman at si Jesus ang kasama!
2
Saanma’y hindi ako nag-iisa
Kung wala mang kaibigang kasama,
Kahit saan ako akayin Niya
Ay pupurihin Siyang walang hangga.
3
Saanmang dako ako’y mahihimlay
Kung dumating na ang kinagabihan,
Anumang bayan ang aking kagisnan
Ay aariin kong siyang tahanan.