Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 135 Ang Pag-asa Ko’y Natatag
1
Ang pag-asa ko’y natatag
Sa kabanalan at hirap,
Ng ngalang Jesus na tanyag
Higit sa larawang lahat.
Koro:
Si Kristo’y batong matibay
Na aking kinasaligan
Di gaya ng buhanginan!
2
Maging alon mang masasal
Ng bagyo’y di ma-ibub’wal
Ang pag-asa sa biyayang
Aking pinanghahawakan.
3
Sa pangakong sinalita
At sa dugong masagana
Ni Kristo na mapagpala
Lubos ang aking tiwala.
4
Siya kung dito’y dumatal
Ako’y bibihisang tunay
Ng Kaniyang kabanala’t
Matitindig sa hukuman.