Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 99 Ano ang Sabi ng Kasulatan?

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 99 Ano ang Sabi ng Kasulatan?

1
Ano ang sabi ng Kasulatan?
Dapat nating maalaman,
Turo ng tao’y sinsay kung minsan
Nguni’t ang sa Diyos ay tunay!

Koro:
Ano ang sabi ng Bibliya?
Ano ang sabi? mag-aral ka!
Sundin ang utos, ang sapung utos
At hintayin ang dating N’ya!

2
Iilan lamang ang nag-aaral
At nagsasakabuhayan
Sa lahat ng utos ng Maykapal.
Pati nang kapangilinan!

3
Ano ang isusulit mo sa Diyos
Taong sumuway sa utos?
Ikaw baga ay makasasagot:
“Ang utos Mo’y sinusunod?”

Exit mobile version