Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 94 Tirhan, Espiritung Banal

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 94 Tirhan, Espiritung Banal

1
Tirhan, Espiritung Banal,
Puso’t isip, tanglawan;
Laging paalalahanan
Nang sala’y mailagan.

Koro:
Punuin, ngayong din,
Ng Espiritung Banal;
Jesus, ako ay punuin
Ng Espiritung Banal.

2
Espiritung magiliwin
ako’y iyong puspusin;
Bawa’t oras ay ang hiling
Lumagi sa ‘king piling

3
Kahinaan ko’y lumasan
Oh! Espiritung Banal,
Ako’y bigyang kasiyahan
Sa pagibig mong mahal

4
Iligtas at pagpalain
Ako’y laging aliwin
Ilayo sa bakla’t lagim
Sa biyaya’y busugin.

Exit mobile version