Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 91 Anong Tamis ng Awitan

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 91 Anong Tamis ng Awitan

1
Anong tamis ng awitan
Ng mga anghel na tanan
Ang tuwa’y gayon na lamang
Sa kalangitan.

Koro:
Kay saya sa langit!
Kay saya ang doon ay mapanhik!
Ang tuwa’t pag-ibig
Di malalahukan ng hinagpis!

2
Sa malwalhating pintuan
Papasok ang karamihan,
Anong laking kagalakan
Sa kalangitan.

3
Masasayang alingawngaw
Ang laging mapapakinggan;
Ang bango’y di ano lamang,
Sa kalangitan.

Exit mobile version