Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 89 Ako Ngayo’y Malapit Na

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 89 Ako Ngayo’y Malapit Na

1
Ako ngayo’y malapit na
Sa lupaing masagana,
Araw doo’y maligaya’t
Walang munti mang sakuna.

Koro:
O magandang lupang B’yula,
Nasasabik ako t’wina;
Buhat sa ‘yo’y mamamasdan
Ang masayang halamanan,
yaong magandang tahanan,
Na sa aki’y inilaan!

2
Parati akong kaakbay
Ng dakilang Manunubos,
Siya ang aking patnubay
Sa langit ng tuwa’t lugod.

3
Ang mga bulaklak doon
Ay pawang di nalalanta’t
Napakabango ang simoy
Sa bayang yaong maganda.

4
Ang awit ay matatamis
At tunay na maalindog,
Ang buong hukbo ng langit
Kasama ng nangatubos.

Exit mobile version