Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 82 Mangagpuyat mga Banal

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 82 Mangagpuyat mga Banal

1
Mangagpuyat, mga banal,
Pagbutihin ang ilawan;
Magsihanda at maghintay
Sa Panginoong pagdatal.

Koro:
Si Jesus, dumarating
Nang buong dilag at ningning;
Tayo na at salubungin
Ang maghahari sa ‘tin.

2
Sa Panginoong pangako
Nilabhang damit sa dugo,
Putong at sa salang inako
Narito’t hiling mo’y tagpo.

3
Samantalang naririnig
Ang sa ikapitong tinig;
Ibalita mong masugid
Biyayang laang panlinis.

4
Hanggang may pagkakataon
Kay Jesus kayo’y patulong;
May darating na panahon
Na di Siya magtatanggol.

Exit mobile version