Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 79 Pag Mukhaan Kong Nakita
1
Pag mukhaan kong nakita
Ang nagligtas sa sala,
Pupurihin ko tuwina,
Napakong walang sala.
Koro:
Mukhaan kong makikita
Sa langit na masaya
L’walhating walang kapara
Ng nagligtas sa sala.
2
Ngayo’y bahagya pa lamang
Kung Siya ay mamasdan,
Nguni’t pagdating ng araw
Mamasdan kong mukhaan.
3
Sa harap N’ya’y anong galak
Kung mat’wid na ang lahat,
Kung lumipas na ang hirap
Dilim ay lumiwanag.
4
Oh, masanghayang umaga,
Ng ating pagkikita,
Lagi nang magsasasama
Magpasa walang hangga.