Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 72 Maari na sa Umagang

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 72 Maari na sa Umagang

1
Maaari na sa umagang paggising,
Kapag ang araw’y naglalagos sa dilim,
Na ang Panginoong Jesus ay darating,
Upang ang Kanya’y tanggapin.

Koro:
O Pangino’ng Jesus, kailan Pamaisisigaw?
Na si Kristo’y nagbalik na,
Aleluya! Amen, Aleluya! Amen.

2
Maaaring tanghali o takip-silim,
Maaaring ang hating-gabing malalim
Ay maliwanag sa l’walhati N’ya’t ningning,
Pag ang Kanya’y tanggapin.

3
O kagalakan! Kung di na mamamatay,
Walang pagtangis, sakit, takot, ni lumbay,
Sa kalangitan dadalhin tayong tunay,
Si Jesus ang kaakbay.

Exit mobile version