Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 68 Ang Oras ng Pagdating Niya

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 68 Ang Oras ng Pagdating Niya

1
Ang oras ng pagdating Niya
Ay di natin nalalaman,
Maaari na sa umaga,
Maaaring gabi naman;
Sa atin ay may bilin Siyang
Ayusin ang ating ilaw,
Upang kung Siya’y parito na
Handa tayong aabutan!

Koro:
Nag-aantabay, Nag-aantabay!
Hanggang sa Ikaw sa lupa’y muling dumatal.

2
Ang l’walhati ng kalangitan
Di Niya minahalaga
Nanaog sa lupang ibabaw
At dito’y kusang nagbata;
Aking inaakala namang
Ikaliligaya Niya
Kung ako ay mag-aantabay
Hanggang sa Siya’y dumatal.

3
Oh! Jesus, na Manunubos ko,
Alam mong ako ay sabik
Sa pag-aantabay sa Iyong
Panahon ng pagbabalik!
Kung mayroon mang mga taong
Sa harap Mo ay aalis.
Ay nagagalak naman ako
Na Ikaw’y aking mamasid!

Exit mobile version