Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 63 Kung Mabigat ang Pinapasan

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 63 Kung Mabigat ang Pinapasan

1
Kung mabigat ang pinapasan,
Si Jesus ang iyong tawagan,
Bibigyang kalakasan
Ang puso mong lupaypay
Ni Jesus nating kaibigan.

Koro:
Pinakamabuting tunay
Si Jesus nating kaibigan
Ikaw’y aalalayan,
Tawag mo’y pakikinggan
Ni Jesus nating kaibigan.

2
Kaaliwan, tuwa, at lugod,
Ang sa puso’y dulot ni Jesus,
Panganib ma’y bumuhos
Ako ay walang takot;
Ang kanlungan ko ay si Jesus.

3
Sa dilim man at kapanglawan,
Sa dagat man ng kahirapan,
Tayo’y itatangkakal,
Hindi pababayaan
Ni Jesus nating kaibigan.

4
At sa langit na walang hanggan,
Kung tayo ay magkapipisan,
Ating papupurihan
Ang dakilang pangalan
Ni Jesus nating kaibigan.

Exit mobile version