Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 61 Ako ay Nariwara sa Pagkakasala
1
Ako ay nariwara sa pagkakasala
Hanggang sa pinanawan ako ng pag-asa,
Datapwa’t ang hibik ng aking kaluluwa’y
Dininig ng diyos at ako’y ligtas na!
Koro:
Ang pag-ibig! Ang pag-ibig!
pag-ibig! pag-ibig!
Ang nagligtas sa ‘kin ay pag-ibig;
Ay pag-ibig!
2
Ang puso ko at diwa’y aking inya-alay
Sa paanan ni Jesus habang ako’y buhay;
Aawit-awitin ko ang Kanyang pangalan
At ang pag-ibig Niyang walang hanggan.
3
Oh kaluluwang waglit at mapapahamak
Kay Kristo ka lumapit nang ikaw’y maligtas;
Ang ating Panginoo’y walang laging hangad
Kundi ang malayo ka sa bagabag.