Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 54 Ang Pag-ibig ni Jesus

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 54 Ang Pag-ibig ni Jesus

1
Ang pag-ibig ni Jesus ang siyang umakit,
Upang ako sa Kanya ay kusang lumapit;
At ang Kanyang biyaya sa aki’y ibinihis
Ang Siyang laging diwa sa aking pag-awit.

Koro:
Lalo nang tumatamis,……
Lalo nang tumatamis;
Ang pag-ibig Niya
Sa akin t’wi-t’wina,
Lalo nang tumatamis.

2
At sa buong Judeang kaniyang nilibot
Madla ang mga taong sa Kanya’y sumunod
St ang mga may damdam ay Kanyang ginamot
Gayunma’y ang pag-ibig niya’y di naubos.

3
Ang wagas na pag-ibig ang siyang nag-akay
Upang tayo’y subukin hanggang kamatayan
Kaya’t ating purihin ang Kanyang pangalan
Hanggang ang lupa’t langit sumamang magdiwang.

Exit mobile version