Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 49 Sa Oras na Ako ay Sinusubok

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 49 Sa Oras na Ako ay Sinusubok

1
Sa oras na ako Ay sinusubok,
Ako’y pamanhik, mahal kong Jesus;
Huwag Mong tulutang magkuli’t malugmok,
Ni ikaila Ka’t lumayong lubos.

2
Ang bawal na layaw dito sa lupa,
O ang imbing yamang pumipinsala.
Huwag Mong tulutang sa ‘ki’y magkabisa;
Ang krus ng Kalbaryo’y ipagunita.

3
Kung hirap at lungkot ako’y pahatdan,
O ang dusa’t kirot ako’y akbayan,
H’wag Mong ipalimot ikaw’y aking masdan;
At sa ‘Yo’y ilagak:kabalisahan.

Exit mobile version