Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 47 Ang Panginoo’y Nanaog sa Lupa

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 47 Ang Panginoo’y Nanaog sa Lupa

1
Ang Panginoo’y nanaog sa lupa
Taglay ang sugo ng awa,
Subali’t Siya’y inamis, inaba
At inapi at kinutya.

Koro:
Pinahirapan, hinampas inuyam
Pinakuan sa paa’t kamay
Nguni’t ang masaklap, mahapdi sa lahat
Ay ang nasa pusong sugat.

2
Kanyang hinahanap sa sariling Kanyang
Nangaliligaw na tupa,
Nguni’t ang tawag at anyaya Niya
Di nila inalumana.

3
Siya ay hindi ko maitatakwil
Puso ko’y di makaamin,
Dudulog ako’t sa Kanya’y hihingin
Ang sala ko’y patatawarin.

4
Huling Koro:
Dadalhin ang krus at ako’y susunod
Sa tinuntong daan ni Jesus
At ang paglilingkod ng puso ko’t loob
Aking gagawin nang lubos.

Exit mobile version